Friday, May 2, 2008

mga main event ng buhay at lipunan

masama sya magalit

ang pangyayaring ito ay nangyari noong ika-15 ng abril alas dos ng madaling araw.

galing ang lola nyo sa overtime at naglalakad na sa may waiting shed ng ayala cebu para maghintay ng taxi. while on the way at kumikembot, may umakbay na lalaki sabay tutok ng kanyang... kutsilyo. may isa pang kasama sya na hinipu-an ako. parang tunog rape. sana nga rape na lang yun. hold up ang trip ng mga kampon ng demonyong yun. may dialogue pa ang mga gago, "relax ka lang, direstso ug lakaw, masama akong magalit". ang pangit siguro nya. obvious tuloy na di bisaya ang ang mga ugok. leche nila. basta yun na at ayoko nang idetalye masyado. traumatic. tinangay ang cellphone at konting pera. konti lang, di naman kasi ma-anda ang lola nyo. nagka temporary insomnia(meron bang ganun?) ako after that. umaga na nang nakatulog.

pero dahlin, di yan ang main event. syempre spread the news ang bakla after. "buti hindi ka pinatay". "may pera ka pa ba?". "mag-ingat ka na ha". yan ang mga sympathetic na statements galing sa mga sympathetic na mga tao sa paligid. salamat talaga. pero ang di ko inasahan ay may magbigay nga statement na,"baka umiiwas ka lang sa obligasyon at ayaw mo na magbigay". hurt akez. hurt na hurt kasi galing ang statement na yan sa mother ko. ouchness...

nagpagod na nga sa OT ginagawan pa ng kwento...*sigh*

--------------------------------------

baby out

another buzz that has been running around the internet and street corners was the misbehavior of the medical staff of vicente sotto memorial medical center.

i need not rewrite whatever happened in that video. the supposed professional staff who were handling the patient were inhumane and ugly.

eh kasi bakla

another punch was recently done to the patient and the lgbt community and it was done by the church. they(the church) blamed the patient that resulted in him being placed in a very humiliating position instead of calling for medical practitioners to treat their patients with respect and justice for the patient.

i cannot help but notice that the church is tolerating and even promoting homophobia. i also cannot help but compare when someone spilled out the details of the zte scandal, they rained him with praises, prayers and masses but now when someone got publicly taunted and humiliated by the people whom he trusted his life with, the church did not only turned its back but also blamed the one who was abused. i am not saying that the zte scandal was irrelevant but we cannot just give a blind eye when someone gets stoned by people and the church, who happens to be the protectors of the weak, would also pick up a stone and play along. maybe their parents forgot to tell them that when you have nothing good to say, don't say anything at all.

para tuloy syang nahold-up tapos sya pa ang sinisi ng kanyang nanay (ay bitter pa rin ang lola nyo...chos).

the names

as of the moment, investigations have produced several names of those who were in the OR in the time of operation. they were head surgeon Dr. Phillips Leo Arias; assistant surgeons Dr. Angelo Linawagan and Dr. Max Joseph Montecillo; nursing attendant Rosemarie Villareal; and circulating nurse Carmina Sapio. These were the staff who should have only been there conducting the operation, which means that investigators are expecting more names to come up as the probing continues.

although it may be not clear in the video that these key people participated in making fun of the victim, it is clear that they failed to follow protocol and preserve the dignity of the patient. the named personnel are still serving vsmmc but are transferred to wards and given limited access to hospital facilities. vsmmc is prepared to file administrative case and only that since they are not willing to let the named staff go stating the shortage of personnel as reason. the patient and his lawyer, however have told the media that they may also be filing criminal charges to responsible staff and could include the hospital if the hospital administrators refuse to cooperate.

these young medical practitioners may be able to help out more people through their craft but they crossed the line and crossed it way too far. someone has to pay. well we hope that justice be served and may the punishment fit the crime.
references:
---------------------------------------


fairygodflower says: we love being a catholic and i believe in one God who is not prejudice and hateful...

bitchywitch says: ... and we wish the victim justice and proper recovery from the incident.

If homosexuality is a disease, let's all call in queer to work: "Hello. Can't work today, still queer"
-Robin Tyler

Read More......

Monday, April 28, 2008

views and news

(video overload)
ehem.. ehem... kakahiya naman to. miss ko na magblog *sniff*sniff*. kelangan lang talaga iwan muna ang blog *sigh*. ngayon, chichikka na ulit ako pero snack muna tayo.... ahihihi



cge go, chikka na tayo... (click link below to expand post)

----------------------------

ang paglalandi

nasabi ko na nuon na nag g4m na rin ang lola nyo. wa naman napala so far at parang nawawala na rin ang gana kong makisabay sa breeding season. syanga pala di ko pa rin ma gets ang official slogan ng g4m na "no gays, no effems". sarap nilang ipako sa krus at koronahan ng naglalakihang mga t-t-... char!

in furnez may kagalang-galang at katakam-takam din naman kaya sight seeing lang sa g4m ang ganap ng bakla kapag bored. ganun lang. ganun lang ako maglandi... ahihihi *blush*

syanga pala, may public service announcement din kami sa mga badettes sa mundo ng no-gays-no-effems na yan:



another one bites the dust, in heels and flared pants!

simula tayo kay ate jelly(di tunay na pangalan). siya ang pinsan at numero unong baklang reyna sa hometown ng prinsesa. at wag ka, may dalawang assistant din sya. pinsan nga kami. pero yung sa kanya trulalang mga baklita ang mga itey. kasama nya sa mga wedding rakets nya. vongga!

isa sa mga assistant nya ay si theodore(di rin tunay na pangalan). laking isla kaya morena si ineng. di masyadong nabiyayaan ng ma-andalush na family kaya kumakayud din ang byuti nya. masipag din naman si ineng, napakasipag that her natural beauty was gone and forgotten with a battered body and face left for her to live with...(ano daw?) char! anyway yun nga, di na masyadong kagandahan itong si theodore pero wag ka effort pa rin itong rumampa with spaghetti straps, flared pants and heeled sandals. syempre may muk-ap.

pero kelangang mag fly ni ate jelly somewhere na may greener pasture. sa afghanistan. naiwan ang mga badette na assistants. yung isa nag aral. pero si theodore, work pa rin. nag apply sa local department store namin. kahit may required uniform ang mga males, iniba ni bakla ang get-up nya. body fit na yung polo, naka heeled black shoes, muk-ap and op kors... flared pants. wagi!

nitong last holy week lang umuwi ang prinsesa sa hometown. nagpasukat na rin kami para sa wedding ni ate grace, sister ni ate jelly. kaya go kami sa botique ni tito romie (tito kong bakla, feeling ko lahat kami bakla! ahaha!). may pang end-op-da-world news pala itong si tito romie. kaya chikka nga si tito with other gays na andon sa vicinity (siguro relatives ko rin sila)... eto news nya; si theodore daw ikakasal!!! oo, eto pa... ikakasal sya sa isang gelay!!! di pa yan tapos bakla, meron pa... ung gelay, juntis!!!

"hooy kawawa naman ung girl!" chorus ng lahat ng bakla. kasama na ako.

ayokong mag conclude ng kung anong napasok sa ulo ni theodore o sa ulo ni gelay basta ang alam ko at alam ng lahat ng bakla, rumarampa pa rin si theodore.

maaring kawawa nga ung gelay in the end. o kaya si theodore. o kaya yung bata. pero who knows, magiging happy family din sila. yun lang ang news ko about the theodore wedding. di ko pa alam kung natuloy nga... so good luck na lang sayo bakla. kung saan ka masaya, hala cge go!

siguro nakita ng gelay ang commercial na to:



at before we go, snack uli tayo... echoz!



----------------------------

fairygodflower says: simula pa lang yan sa naipon naming storya. ang saya!

bitchywitch says: sana balik ulit kayo kahit antagal naming nag backstage...

A wise man makes his own decisions, an ignorant man follows public opinion
-Chinese Proverbs

Read More......

Monday, February 4, 2008

ang tanong para sa isang milyon

in fairness, vongga-vonggahan ang effect ng last sinulog dito sa cebu. pinaka maraming revelers daw, so far.

di naman ako masyadong nagpagod kasi naka-station ang beauty kets sa bahay ng pinsan para makikain. kapal. pero strategic din naman kasi ung vahay nila. lapit lang sa parade route kaya no need makipagsiksikan kyeme sa daan. pero bet ko sanang makipag-"rubbing elbows" sa mga utaw. kasi naman every 2 meters may makakasalubong kang hunkiness of all kinds. taray, davah?

pero before nagrampahan ang beauty namin lumafang muna kami. kasama sa lafangan eh ung anak ng pinsan ketch. grade school pa sya at may above average na hilig sa pakikipag chikkahan. itatago nating sya sa pangalang nene, isang girl.

medyo nahuli kasi sa pagdating ang prinsesa sa crime scene (nag change costume pa kasi) kaya ako nalang mag-isa sa mesa. nagmukha akong patay-gutom. half way pa ako sa pag-nguya ng lechon de cebu (remember ko pa ang sarap hmmm yummee) nang mag apparisyon itong si nene na feeling ko may intensyong pigilan akong umabot sa aking dessert. feeling ko lang. q&a portion pala ang gustong mangyari nung bata kaya lang ang bigat nang binatong tanong. di kakayanin ang "high tide or low tide" sa tanong niya. tanong niya sakin:

"kuya, bakit ka ba gayyyy? hehehehe"

(expand post for more, click below)
prolonged yung "yyyy" at nakakatakot yung "hehehehe" niya. napa stop-look-and-listen tuloy ang bakla. pati mga pinsan kong walking distance lang sa pinangyarihan gulat din sa tanong. kaya lang dinaig ng gutom amg gulat ko. binigyan ko na lang sya ng serene laughter (naks) sabay sabi, "kain muna si kuya ha". "hehehehe", sagot nya na tunog horror pa rin.

baka na bored lang yung bata kaya napunta sakin ang undivided attention niya. gusto ko sanang sagutin siya nang "kasi, iha, nagkakagusto ako sa mga lalaki, yung yummy." kaya lang ayoko parang kulang kung ganun lang. takot din akong may masabing hindi dapat. baka magfollow up question ang bata na "ano ba yung tsupa, kuya?" baka itakwil ako ng mga auntie ko at isa pa kumakain ako 'nun, hello.

akala ko tapos na. na somehow natuwa lang sya sakin kaya may interbyu ang loka. mali ako. semi finals lang pala yun. pasok ako sa finals at ganun pa rin ang tanong niya pati tawa ganun rin. kakatakot. kaya naman with the gentlest voice nag statement ketch "kasi, nene, gusto ni kuya ng boys." di ko na tinaasan yung linya ko hoping na walang kasunod na tanong. buti nalang yung horror laughter lang ang sinagot niya. di na nagtanong si nene. kaya lang di lang si nene ang pamangkin ko at may marami pang bata ang magiging pamangkin ko. baka nga may bata na magiging anak ko, who knows. pero magiging ganun pa rin ung tanong. "kuya, bakit ka ba bakla?"

tama na ba yung sinagot ko? kayo, anong sagot niyo?

-----------------------------------------

fairygodflower says: baka gutom din yung bata...

bitchywitch says: dapat denial queen ang drama. hindi ka bakla, isa kang tunay na babae!

“It's a lot easier being black than gay. At least if you're black you don't have to tell your parents.”
-Judy Carter

Read More......