Thursday, June 14, 2007

give twice of what u spent?

ibang wednesday night ang na-experience ko kagabi. hanggang ngayon di ko pa ma digest.

i went out of the office a bit earlier. so when stopped on my usual karenderia for supper, namangha ako sa dami ng peepol na nag-aagawang ng pagkain, mesa at tindera. first day of classes pala ngayon. ampotahh!

kaya hanap ng ibang hapag-kainan ang prinsesa. napunta ako sa may kabilang karinderia na parang bahay lang. actually bahay lang talaga sya, nakakabit lang ung dining area sa sala nila kaya mega watch ka na rin ng teledrama pag kumakain ka. nilagyan lng ng display na pagkain at mesa at presto, may resto na!

walk-in ang beauty ko then pumili ng hapunan. chopsuey ang ulam at one rice. walang mga fafa pero wala ring pila. and so, kain, kain, nguya, lunok and pose. kain, nguya and pose and so on. pagkatapos ng healthy na lafang nag pose ulit at nag speech:

princess aries: ate magkano ho?

ate: jeez.

princess aries: (nakataas ang kilay) magkano po?

ate: jeez pesus lang, dong.

dukot. bayad. namangha uli ako sa gabi ko. healthy ulam na yon ha pero diyes pesos lang! magandang karenderia itoh. home-cooked meals na affordable. kung ganito lang sana ang lahat na kainan, walang krisis sa pinas! nyahaha...

--------------------------------------

pagkatapos ng amazing na hapunan rumampa na ang entourage ko pauwi. napahinto ang boung entourage nang may humarang na juntis na gelay at nakipag dialogue:

gelay: migo, can ask something from u? (english talagah teh)

princess aries: huh?

gelay: (umiiyak na sya)i'm supposed to meet my sister kasi then di niya ako sinipot. lobat na rin ung fone ko then wla na talaga akong pera pauwi. can i ask kahit 20 pesos lang pamasahe?

princess aries:(dukot) here.

di ko na inalam kung true story ung drama niya. di lang ako makapaniwalang di sya sinipot ng sis nya eh juntis pa naman siya at mega english pa sya na parang call girl. taray nya!...

ewan! pero assuming na totoo nga ung gelay:

when i go out to eat, i'm only bringing my coin purse instead of my wallet. if i had not found that eatery, that was already there before (di ko lang talaga pinansin) , i would only have a few coins left on my purse which wouldn't be enough for a jeepney ride for that pregnant girl even if she takes all of it.

na digest nyo bah? basta ayoko nang maulit uli yong eksena ko sa juntis na gelay.

-----------------------------------
fairygodflower says: 10 nga ung hapunan may nakilimos naman ng 20. puke nya! mas mahal pa xa sa hapunan mo ha!

bitchywitch says: sana nag korean ka nalang nung nakipag usap ung mujer! jugule! tapos walk-out... nyahahah!

If you want to know what God thinks of money, just look at the people he gave it to.
-Dorothy Parker (1893 - 1967)

6 ang nakibaka (comments):

Anonymous said...

Kinuha mo na lang sana yung mobile number ng kapatid niya. Text mo agad yung sister pagdating mo sa bahay (at least safe pa ang phone mo... hehe). E di P1.00 lang sana yung nagastos mo... me chance ka pang magka-textmate. hehe... lame idea. :p

-Harold: The Guardian

Anonymous said...

I think she's a pro beggar. Buti nga P20 lang ang hinihingi. Dito nga humihingi ng pamasahe sa Bulacan, P500.

cant_u_read said...

kung anuman ang totoong kwento ng buhay nya, still... it pays to give. pasensya na, preachy ako today! hehehe!

John Halcyon von Rothschild said...

Well. At least nakatulong ka. Nasa Konsensya na nya yun kung mangloloko sya. If that was me though, I wouldn't give one centavo, then again I'm a mean Bitch...

Bakla Sa Banga said...

ako tatalakan ko siya ng ganito: Buntis ka? Nasan ba ang nakabuntis sayo? Kagaya ba siya ng sister mo na pagkatapos mangako, pagkatapos kang kinantot at binuntichina, ay di ka sisiputin? Kasing liit ba ng halaga ng coins na dala mo ang iyong pagkakababae at pagkatao para ganon na lang kalimutan? Ngayon, iiyak-iyak ka?


Akin na yang cellphone mo! Twenty pesos lang ang presyo nito!

aries said...

ay ang ganda ng impak ng entry na itoh nyahaha may social relevance

@harold-kana jud dong pagtagalog na!

@empress-kamusta naman ang krisis mo teh?

@rye-feeling ko sakristan ka nung baklita ka pa...hahaha

@john-taray ng name mo teh.

@bakla sa banga-you nailed it! winner at wagi ang speech!palakpakan...

salamat sa dalaw mga friends, balik kayo ulit ;-)