Thursday, September 13, 2007

ang kwento ni sir


ang gulo-gulo ng environment ng campo namin ngayon. kumukunot ang wrinkles ko...kelangan ko ng peace. at para may peace, muni-muni muna aketch ng past and the funny ng buhay. lola basyang mode on!...

ang kwento natin ngayon mga bata ang tungkol sa isang masipag na bakla. isa sya sa mga masasayang karakter na nagbibigay buhay sa baranggay ng prinsesa. itago na lang natin sya sa pangalang sir niso.

si sir niso ang dumating sa baranggay bilang isang nursery teacher. "good morning sir niso!" ganyan ang drama ng mga bata kung ka-eksena nila si sir niso sa kalsada. maramai ring mga bata ang naturuan ni sir niso sa kanyang maliit na kubo na lupa lang ang sahig at kawayan ang dingding. ngunit dumating din ang panahon na kelangang magsara ang kanyang munting kubo ng kaalaman. 'di ko na alam ang dahilan pero marahil na-ubosan na ng pera ang NGO na nagmamay-ari nito.

may utak din naman si sir niso. sa katunayan, nag enrol sya sa kursong edukasyon sa 'di pa nagsara ang nursery school. bsed-major in history ang kinuhang highlight ng buhok ni sir niso sa isang lokal na kolehiyo. at dito nag krus ang landas ni sir niso at ng prinsesa.

highschool ang prinsesa samantalang practicum year na ni sir niso. isang araw, may dinalang alagang kabayo ang history teacher namin sabay introduce. "class, say hello to sir niso. siya ang magiging teacher nyo mula bukas hanggang forever". si sir niso na pala. wala namang pumalag kay sir niso.

kinabukasan, day 1 na ni sir niso.......30 minutes nang nagsasalita si sir niso, silent pa rin ang buong populasyon ng klase...35 minutes...40 minutes...tit tit tit tit...tit tit tit tit...tit tit tit tit...tit tit tit tit. windang ang buong kabukiran. nagtitinginan na kami kung saan galing ang mala-manok na ingay. isa na lang ang 'di namin nataasan ng kilay - si sir niso. "class, tapos na ang klase. kopyahin nyo sa board ang takdang-aralin", ang pakantang sinabi ni sir niso sabay hugot sa bag. may inilabas si sir niso sa bag niya. isang maliit na kahon. pinindot niya ito na syang nagpahinto sa ingay. at ganun na eksena sa klase ni sir niso.

sa sumunod na araw, napasali na sa buhay namin si sir niso at ang kanyang mahiwagang

. . . . . .
. . . .
. . .
. .
.
...... alarm clock.

------------------------------------

fairygodflower says: ay, ang time konshus naman ni sir...


bitchywitch says: ano sya?! cinderella!?...may time limit ang ganda!? ching!


I must govern the clock, not be governed by it.-Golda Meir

6 ang nakibaka (comments):

cant_u_read said...

bat di naisip yan ng mga prof ko dating hobby and mag-OT sa class?

Kiks said...

Si Sir Niso... Alam nya ang attention span ng mga hitad sa subject na History.

Kung ni-nursery rhyme na lang sana nya....

(Thinking about the real history of many nursery rhymes...)

Oh, how morbid!

(Nandyan pa ba sya? O he ran out of time?)

chase / chubz said...

ha?!
alarm clock talaga. hehehehe

aries said...

nasa private school na si sir niso teaching college and hysul...i think hehehe

parang magandang idea nga ang magdala ng alarm clock sa klase wehehe

ruff nurse-du-jour said...

May nangyari kaya sa pagitan ng prinsesa at ni sir niso? Hehehe. =)

aries said...

hoy imposibleng mangyari yon halleuuuuuuur....faaaaaar aaaaawwwt.

at nag react talaga akoh. chos!