Tuesday, June 17, 2008

dear tita charing, gusto kong gumanda

dear tita charing,

ako po ay naglakas-loob na sumulat sa inyo upang humingi payo.

nito pong nakaraang buwang ay nawalan na po ako ng gana sa lahat ng bagay. buti na lang po wala akong jowa, or else dry ang sex life namin. basta ang tamad ko na. ayoko nang bumangon, kumain at magtrabaho pero keri ko pa rin namang maligo. anyway, chikka ko lang yan para humaba ang kwento. eto talaga ang napakalaki kong suliranin (ang deep):

kahapon kasi nagpagupit ako sa suki kong parlor, ang jun esma salon for men and women (plugging). ang galing ng hair dressers at barbero nila. so ayun nga, sabi ka lang na pa trim akey kasi kelangan ang aura ko sa isang wedding chorvahan. habang ginugupitan ang hair ketch ng isang beckysaur (ang galing nya, in furness) may fone-in question sya. bet ko ba raw bumili ng keratin conditioner nila. manipis na daw ang crown ng lola nyo. upselling sya ha pero tama si tita beckysaur. and da trut harts. hay...

so ayun nga. napansin ko na rin yan mga ilang buwan na. dagdagan pa yan ng ma-grasa at mala-airport kong noo. eeew.

tita charing, ang bata ko pa para mawalan ng crowning glory. ayoko! ayoko! ayoko!! sana po ay mabigyan nyo po ako ng payo sa aking suliranin... at ano ba yung keratin conditioner? di ko kasi binili yung offer, baka may gayuma, chos.

nagmamaganda,
princess aries

fairygodflower says: wala ka kasi jowa!

bitchywitch says: agree! wa nang "nagdidilig" ahahahahay charot!

You cannot prevent the birds of sadness from passing over your head, but you can prevent their making a nest in your hair
-
Chinese Proverbs

7 ang nakibaka (comments):

cant_u_read said...

before you apply anything to any part of your body, it's always best to consult a licensed dermatologist. trust me, my receding hairline got worse from tryng too many products.

Lyka Bergen said...

How about pakalbo ka na lang? Baka magulat ka at eto pala ang bagay sa yo!

Anonymous said...

Mane n' Tale daw epekteb? Ewan ko lang. Sabi kasi nila.

Kiks said...

hmmmn....

ang dapat gawin: tama silang lahat, except kay exceptional.

check with a derma or a hair specialist, like tita ricky. chos.

pwede ring magsport ng kalbo look.

pero ang mane and tale, day, wang epek sa mga pinoy. unless mola ka. chos ulit.

Anonymous said...

Ganitets lang ang sikreto diyan, Mare...

Magsuklay nang madalas. Kumbaga parang massage na rin 'yan sa anit.

Huwag dalasan ang pagshampoo. Gumamit lang ng anti-dandruff shampoo every other day. Magpabaya ng isang araw ng pagre-retain ng natural oils ng buhok.

Anonymous said...

U smoke ba? I hope not. It will only worsen this hairy situation.


THANKS for dropping by. :)

Bryan Anthony the First said...

tahimik dito...