Tuesday, September 1, 2009

follow which teaching?

ika 16 ng agosto. sunday. ang ganda ng araw. alas singko ng hapon nagsimula na ako sa mga mumunting beauty rituals ko para magsimba for the 6pm mass. di naman magarbo yung mga ritwal kaya 15 mins lang at natapos rin yung lola mo sa banyo. rampa na sa kwarto, then may tumawag. galing sa kataas-taasang hukuman ng tahanan (a.k.a. ermats)

"may bagong biling isda dyan. linisin mo baka masira"

ako: "ha!? magsisimba ako eh"
tapos naglitanya na yung mudra sa katamaran ng lola mo, sa pagpapalaki nya, sa kawalan ko ng silbi, sa kawalan ko ng utang na loob blah blah blah chorbah...

dumating si papa. umapila ako kay papa. wa epek. pagod si pudra. tsaka kahit anong ebidensya ang ipakita ko eh wa pa rin. korte suprema na si mama.

natuloy ang pagsimba. 6 pm yung misa. mga 6:30 na komi sa simbahan.

-----------------------------------

ika trenta ng agosto. linggo. umaga pa lang nagsabi na ako kay papa na 4pm kami magsisimba ng bunso ko na fresh from the queen city.

mga 3:30-ish(sosyal) na ako nag trip to da banyo na feeling galing nassau, bahamas... and then...

"may bagong pitas na buko dyan, buksan mo tapos lagyan ng gatas blah blah blah..."

ako: :"ha!? magsisimba na kami"

tapos may speech ulit. ako ay walang utang na loob. ako ay tamad. mas mabuti pa ang ibang tao. ang sarap ko nang palayasin. ako ay walang silbi sa bahay, ako ay walang silbi, ako ay walang... basta yun na...

deadma. nagchange costume na ako para ka Bro. naks.

pero si bunso apektado. di na kinayang magpalit. yung pagod kong pudra na kasalukuyang nag lalaba ng damit nya ang nag chorbah nung buko. si bunso ang nagkuskus. si mama nag speech pa rin. wa choice ang lola mo. nagpalit na rin ako ng pambahay.

ako: " ako na lang"

papa: "magsimba ka na lang"

galit si papa. nangatwiran ako. "bakit ba nagagalit ka. bakit kanina eh walang nakapagsabi na di pwedeng mag simba sa alas kwatro?"

galit na ever si papa. na di ko ma gets kung bakit galit sya sakin. seryoso na to. kinuha nya yung revolver. tinutok sa kin. pinutok sa lupa. di ako natakot. eh, sa kung di ko pa rin makuha kung bakit sya sakin magagalit. kompleto abiso na man ako sa kanya.

pagkatapos nun may speach pa rin si mama. ganun pa rin wala pa rin akong silbi. pero may dagdag na. akez daw ang magiging rason ng kamatayan ng buong familya. ouchness.

nakapag simba rin kami ni bunso. sumunod si papa pero sa malayo kami nakaupo. si mama, ewan.

hay...

------------------------------------

Fathers, do not exasperate your children; instead, bring them up in the training and instruction of the Lord. ~ Ephesians 6:4

0 ang nakibaka (comments):