Monday, February 4, 2008

ang tanong para sa isang milyon

in fairness, vongga-vonggahan ang effect ng last sinulog dito sa cebu. pinaka maraming revelers daw, so far.

di naman ako masyadong nagpagod kasi naka-station ang beauty kets sa bahay ng pinsan para makikain. kapal. pero strategic din naman kasi ung vahay nila. lapit lang sa parade route kaya no need makipagsiksikan kyeme sa daan. pero bet ko sanang makipag-"rubbing elbows" sa mga utaw. kasi naman every 2 meters may makakasalubong kang hunkiness of all kinds. taray, davah?

pero before nagrampahan ang beauty namin lumafang muna kami. kasama sa lafangan eh ung anak ng pinsan ketch. grade school pa sya at may above average na hilig sa pakikipag chikkahan. itatago nating sya sa pangalang nene, isang girl.

medyo nahuli kasi sa pagdating ang prinsesa sa crime scene (nag change costume pa kasi) kaya ako nalang mag-isa sa mesa. nagmukha akong patay-gutom. half way pa ako sa pag-nguya ng lechon de cebu (remember ko pa ang sarap hmmm yummee) nang mag apparisyon itong si nene na feeling ko may intensyong pigilan akong umabot sa aking dessert. feeling ko lang. q&a portion pala ang gustong mangyari nung bata kaya lang ang bigat nang binatong tanong. di kakayanin ang "high tide or low tide" sa tanong niya. tanong niya sakin:

"kuya, bakit ka ba gayyyy? hehehehe"

(expand post for more, click below)
prolonged yung "yyyy" at nakakatakot yung "hehehehe" niya. napa stop-look-and-listen tuloy ang bakla. pati mga pinsan kong walking distance lang sa pinangyarihan gulat din sa tanong. kaya lang dinaig ng gutom amg gulat ko. binigyan ko na lang sya ng serene laughter (naks) sabay sabi, "kain muna si kuya ha". "hehehehe", sagot nya na tunog horror pa rin.

baka na bored lang yung bata kaya napunta sakin ang undivided attention niya. gusto ko sanang sagutin siya nang "kasi, iha, nagkakagusto ako sa mga lalaki, yung yummy." kaya lang ayoko parang kulang kung ganun lang. takot din akong may masabing hindi dapat. baka magfollow up question ang bata na "ano ba yung tsupa, kuya?" baka itakwil ako ng mga auntie ko at isa pa kumakain ako 'nun, hello.

akala ko tapos na. na somehow natuwa lang sya sakin kaya may interbyu ang loka. mali ako. semi finals lang pala yun. pasok ako sa finals at ganun pa rin ang tanong niya pati tawa ganun rin. kakatakot. kaya naman with the gentlest voice nag statement ketch "kasi, nene, gusto ni kuya ng boys." di ko na tinaasan yung linya ko hoping na walang kasunod na tanong. buti nalang yung horror laughter lang ang sinagot niya. di na nagtanong si nene. kaya lang di lang si nene ang pamangkin ko at may marami pang bata ang magiging pamangkin ko. baka nga may bata na magiging anak ko, who knows. pero magiging ganun pa rin ung tanong. "kuya, bakit ka ba bakla?"

tama na ba yung sinagot ko? kayo, anong sagot niyo?

-----------------------------------------

fairygodflower says: baka gutom din yung bata...

bitchywitch says: dapat denial queen ang drama. hindi ka bakla, isa kang tunay na babae!

It's a lot easier being black than gay. At least if you're black you don't have to tell your parents.
-Judy Carter

Read More......